Header Ads Widget


Alam niyo bang maraming celebrities ang naninirahan nang mag-isa? Dahil sa kanilang independent living, natutunan nilang maging mas mature at responsable.

Napapatunayan na ni Ika-6 Na Utos star Ryza Cenon ang kanyang sarili sa showbiz sa pag-atake ng kanyang role bilang si Georgia. Pinapatunayan rin ng kontrabida actress sa kanyang magulang na kaya niya na ang kanyang sarili.


Kinamusta siya ng Unang Hirit at ito ang naging sagot ng aktres, “Okay ‘yung feeling na kontrol mo lahat eh kasi mahirap ‘yung hindi buo ang loob mo na mag-iisa ka.”

Ang co-star niyang si Mike Tan na isa sa mga leading man ng top-rating GMA Afternoon Prime soap ay hindi na rin naninirahan kasama ang kanyang ina.

Sanay na siya sa kanyang bachelor’s pad, “Mas madali na kasi alam mo na ‘yung ginagawa mo, mas madali na siyang ituro, ‘yung hindi mo na kailangan umasa sa ibang tao kasi kaya mo nang maging independent kahit ano pang mangyari. Plus siguro, ego boost,” kwento ni Mike.


Samantala, ang leading man ni Barbie Forteza sa Meant To Be na si Addy Raj ay malayo sa kanyang bansa. Siyam na buwan na siyang living the solo life. Aniya, “Hindi ko alam anong [kakainin at] saan bibili ng kahit anong gusto ko, but then eventually, things change. I learned the Filipino ways [and] I made friends.”
  


Since college namang in-embrace ni Encantadia star Arra San Agustin ang kanyang pag-iisa, “Sobrang lonely, like in times [kung] may sakit ako or parang kailangan ko ng kasama, wala eh. Marami akong natutunan, especially self-worth [and] how to value my solitude.”
Previous Post Next Post